Si Joacim ay pinagmagandahang-loob ni Evil-merodach.
31 At nangyari, nang ikatatlong pu’t pitong Hanggang tal.34;2 Hari 25:27-30.taon ng pagkabihag kay Joacim na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawang pu’t limang araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang unang taon ng kaniyang paghahari, nagtaas ng ulo ni Jer. 37:1;22:24-30.Joacim na hari sa Juda, at inilabas niya siya sa bilangguan;
32 At siya’y nagsalitang may kagandahang-loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan na lalong mataas kay sa luklukan ng Jer. 27:3.mga hari na kasama niya sa Babilonia.
33 At kaniyang binago ang kaniyang mga damit na pagkabihag. At si Joacim ay laging kumain ng tinapay sa harap niya sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.
34 At tungkol sa kaloob sa kaniya, may palaging kaloob na ibinibigay sa kaniya ang hari sa Babilonia, bawa’t araw isang bahagi ng pagkain hanggang sa kaarawan ng kaniyang kamatayan, lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.