Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 1

26 Nang ikaanim na buwan nga’y sinugo ng Dios ang anghel tal.19.Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala’y Nazaret,

27 Sa isang dalagang Mat. 1:18.magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala’y Jose, Mat. 1:16,20.sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga.

28 At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, Huk. 6:12.ang Panginoon ay sumasa iyo.

29 Datapuwa’t siya’y totoong tal.12.nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito.

30 At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka’t nakasumpong ka ng biyaya sa Dios.

31 At narito, maglilihi ka Is. 7:14;Mat. 1:21;Luc. 2:21.sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS.

32 Siya’y magiging dakila, at tatawaging Anak ng tal. 35, 76;Luc. 6:35.Kataastaasan: at 2 Sam. 7:13,16;Awit 132:11;Is. 9:6,7;16:5.sa kaniya’y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:

33 At siya’y maghahari sa angkan Dan. 2:44;7:14-27.ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian.

34 At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako’y hindi nakakakilala ng lalake?

35 At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo Mat. 1:18,20.ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng tal. 32, 76;Luc. 6:35.Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Mat. 14:33.Anak ng Dios.

36 At narito, si Elisabet na iyong tal. 58.kamaganak, ay naglihi rin naman ng isang anak na lalake sa kaniyang katandaan; at ito ang ikaanim na buwan niya, na dati’y tinatawag na baog.

37 Sapagka’t walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan.

38 At sinabi ni Maria, Narito, ang alipin ng Panginoon; mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.

Veja também