67 At si Zacarias na kaniyang ama ay tal. 41.napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi,
68 Purihin ang 1 Hari 1:48;Awit 41:13;72:18;106:48.Panginoon, ang Dios ng Israel;
Sapagka’t Ex. 3:16;Awit 111:9;Luc. 2:38.kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
69 At nagtaas sa atin Awit 132:17.ng isang sungay ng kaligtasan
Sa bahay ni David na kaniyang alipin
70 (Gaya ng sinabi niya Jer. 23:5,6;30:9.sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw Gawa 3:21.buhat nang unang panahon),
71 Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
72 tal. 54.Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang,
At Awit 105:8,9.alalahanin ang kaniyang banal na tipan;
73 Ang sumpa Gen. 22:16.na isinumpa niya kay Abraham na ating ama,
74 Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway,
Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,
75 Sa kabanalan Ef. 4:24.at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.
76 Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang Mat. 11:9.propeta ng tal. 32.kataastaasan;
Sapagka’t tal.17.magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan;
77 Upang Luc. 11:52.maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan,
Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan,
78 Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios,
Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin,
79 Is. 9:2;Mat. 4:16.Upang liwanagan Is. 42:7.ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan;
Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng Luc. 2:14.kapayapaan.