Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 10

30 Sumagot si Jesus at sinabi, Isang tao’y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem; at siya’y nahulog sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya’y sumamsam at sa kaniya’y humampas, at nagsialis na siya’y iniwang halos patay na.

31 At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita siya ay Awit 38:11.dumaan sa kabilang tabi.

32 At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi.

33 Datapuwa’t ang Mat. 10:5.isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya’y makita niya, ay nagdalang habag,

34 At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya’y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya’y inalagaan.

35 At nang kinabukasa’y dumukot siya ng Mat. 20:2.dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko.

36 Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan?

37 At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.

Veja também