9 At sinasabi ko sa inyo, Mat. 7:7-11.Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan.
10 Sapagka’t ang bawa’t humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.
11 At aling ama sa inyo, na kung humingi ang kaniyang anak ng isang tinapay, ay bibigyan niya siya ng isang bato? o ng isang isda kaya, at hindi isda ang ibibigay, kundi isang ahas?
12 O kung siya’y humingi ng itlog, kaniyang bibigyan kaya siya ng alakdan?
13 Kung kayo nga, bagaman masasama, ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, Luc. 18:7,8.gaano pa kaya ang inyong Ama sa kalangitan na magbibigay Mat. 7:11.ng Espiritu Santo sa nagsisihingi sa kaniya?