20 At siya’y nagtindig, at pumaroon sa kaniyang ama. Datapuwa’t samantalang nasa malayo pa siya, ay natanawan na siya ng kaniyang ama, at nagdalang habag, at Mat. 18:10.tumakbo, at niyakap siya sa leeg, at siya’y hinagkan.
21 At sinabi ng anak sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, Awit 51:4.at sa iyong paningin: hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo.
22 Datapuwa’t sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, Dalhin ninyo ritong madali Zac. 3:4.ang pinakamabuting balabal, at isuot ninyo sa kaniya; at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay, at mga panyapak ang kaniyang mga paa:
23 At kunin ninyo ang pinatabang guya, at inyong patayin, at tayo’y magsikain, at mangagkatuwa: