Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 19

1 At siya’y Mat. 20:29;Luc. 18:35.pumasok at nagdaan sa Jerico.

2 At narito, isang lalake na tinatawag sa pangalang Zaqueo; at siya’y isang puno ng mga maniningil ng buwis, at siya’y mayaman.

3 At pinagpipilitan niyang makita si Jesus kung sino kaya siya; at hindi mangyari, dahil sa maraming tao, sapagka’t siya’y pandak.

4 At tumakbo siya sa unahan, at umakyat sa isang punong kahoy na sikomoro upang makita siya: sapagka’t siya’y magdaraan sa daang yaon.

5 At nang dumating si Jesus sa dakong yaon, ay siya’y tumingala, at sinabi sa kaniya, Zaqueo, magmadali ka, at bumaba ka; sapagka’t ngayo’y kinakailangang ako’y tumuloy sa bahay mo.

6 At siya’y nagmadali, at bumaba, at tinanggap siyang may tuwa.

7 At nang makita nila ito, ay Luc. 15:2.nangagbulongbulungan silang lahat, na nangagsasabi, Siya’y pumasok na nanunuluyan sa isang taong makasalanan.

8 At si Zaqueo ay nagtindig, at sinabi sa Panginoon, Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking mga pagaari ay ibinibigay ko sa mga dukha; at kung Luc. 3:14.sakali’t nakasingil akong may daya sa kanino mang tao, ay Ex. 22:1;2 Sam. 12:6.isinasauli ko ng makaapat.

9 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Dumating sa bahay na ito ngayon ang pagkaligtas, sapagka’t Rom. 4:11,12,16;Gal. 3:7.siya’y Luc. 13:16.anak din naman ni Abraham.

10 Sapagka’t Mat. 18:11.ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala.

Veja também