2 At narito, isang lalake na tinatawag sa pangalang Zaqueo; at siya’y isang puno ng mga maniningil ng buwis, at siya’y mayaman.
3 At pinagpipilitan niyang makita si Jesus kung sino kaya siya; at hindi mangyari, dahil sa maraming tao, sapagka’t siya’y pandak.
4 At tumakbo siya sa unahan, at umakyat sa isang punong kahoy na sikomoro upang makita siya: sapagka’t siya’y magdaraan sa daang yaon.
5 At nang dumating si Jesus sa dakong yaon, ay siya’y tumingala, at sinabi sa kaniya, Zaqueo, magmadali ka, at bumaba ka; sapagka’t ngayo’y kinakailangang ako’y tumuloy sa bahay mo.
6 At siya’y nagmadali, at bumaba, at tinanggap siyang may tuwa.
7 At nang makita nila ito, ay Luc. 15:2.nangagbulongbulungan silang lahat, na nangagsasabi, Siya’y pumasok na nanunuluyan sa isang taong makasalanan.
8 At si Zaqueo ay nagtindig, at sinabi sa Panginoon, Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking mga pagaari ay ibinibigay ko sa mga dukha; at kung Luc. 3:14.sakali’t nakasingil akong may daya sa kanino mang tao, ay Ex. 22:1;2 Sam. 12:6.isinasauli ko ng makaapat.