1 Nangyari nga, Mat. 4:18;Mar. 1:16.na samantalang siya’y sinisiksik ng karamihan na pinakikinggan ang salita ng Dios, na siya’y nakatayo sa tabi ng dagatdagatan ng Genezaret;
2 Mat. 4:18-22;Mar. 1:16-20;Juan 1:40-42.At nakakita siya ng dalawang daong na nasa tabi ng dagatdagatan: datapuwa’t nagsilunsad sa mga yaon ang mga mamamalakaya, at hinuhugasan ang kanilang mga lambat.
3 At lumulan siya sa isa sa mga daong, na kay Simon, at ipinamanhik niya dito na ilayo ng kaunti sa lupa. At siya’y naupo at nagturo sa mga karamihan Mat. 13:2.buhat sa daong.
4 At pagtigil niya ng pagsasalita, ay sinabi niya kay Simon, Juan 21:6.Pumaroon ka sa laot, at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang mamalakaya.
5 At sumagot si Simon at sinabi, Guro, sa buong magdamag ay Juan 21:3.nagsipagpagal kami, at wala kaming nahuli: datapuwa’t sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat.
6 At nang magawa nila ito, ay nakahuli sila ng lubhang maraming isda; at nagkampupunit ang kanilang mga lambat;
7 At kinawayan nila ang mga tal.10.kasamahan tal. 2, 3, 11.sa isang daong upang magsilapit at sila’y tulungan. At sila’y nagsilapit at nangapuno ang dalawang daong, ano pa’t sila’y nagpasimulang lulubog.
8 Datapuwa’t nang makita ni Simon Pedro, ay nagpatirapa sa mga tuhod ni Jesus, na nagsasabi, Is. 6:5.Lumayo ka sa akin; sapagka’t ako’y taong makasalanan, Oh Panginoon.
9 Sapagka’t siya at ang lahat ng kasama niya ay nagsipanggilalas, dahil sa karamihan ng mga isdang kanilang nangahuli:
10 At gayon din si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, Huwag kang matakot; mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao.
11 At nang maisadsad na nila sa lupa ang kanilang mga daong, ay tal. 28.iniwan nila ang lahat, at nagsisunod sa kaniya.