Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 8:4-8

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

4 At Mat. 13:2-11,14;Mar. 4:1-12.nang magkatipon ang malaking karamihang tao, at ang mga mula sa bawa’t bayan na nagsadya sa kaniya, ay nagsalita siya sa pamamagitan ng isang talinghaga:

5 Ang manghahasik ay yumaon upang maghasik ng kaniyang binhi: at sa kaniyang paghahasik ang ilan ay nangahulog sa tabi ng daan; at napagyapakan, at ito’y kinain ng mga ibon sa langit.

6 At ang iba’y nahulog sa batuhan; at pagsibol, ay natuyo, sapagka’t walang halumigmig.

7 At ang iba’y nahulog sa mga dawagan; at tumubong kasama ang mga dawag, at yao’y ininis.

8 At ang iba’y nahulog sa mabuting lupa, at tumubo at nagbunga ng tigiisang daan. Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay sumigaw, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    4 Isang araw, nagdatingan ang maraming tao mula sa ibaʼt ibang bayan at lumapit sila kay Hesus. Ikinuwento niya sa kanila ang talinghaga na ito: 5 "May isang magsasakang naghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan, natapakan ito ng mga dumadaan at pinagtutuka ng mga ibon. 6 May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar. Tumubo ang mga ito, pero madaling nalanta dahil sa kawalan ng tubig. 7 May mga binhi namang nahulog sa may matitinik na damo. Nang lumago silang pareho, sinikil ng mga damo ang mga binhi. 8 Ang iba namaʼy nahulog sa matabang lupa. Tumubo ang mga ito at namunga nang tig-iisang daan."

    Pagkatapos, sinabi ni Hesus, "Makinig ang sinumang may pandinig!"

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.