43 At nangagtaka silang lahat sa karangalan ng Dios.
Datapuwa’t samantalang ang lahat ay Mat. 17:22,23;Mar. 9:30-32.nagsisipanggilalas sa lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
44 Manuot sa inyong mga tainga ang mga salitang ito: sapagka’t ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao.
45 Mar. 8:32;Luc. 2:50;18:34;Juan 12:16.Datapuwa’t hindi nila napaguunawa ang sabing ito, at sa kanila’y nalilingid, upang ito’y huwag mapagunawa; at nangatatakot silang magsipagtanong sa kaniya ng tungkol sa sabing ito.