1 Ako ang tao na Jer. 20:18.nakakita ng pagdadalamtahi Awit 2:9.sa pamalo ng iyong poot.
2 Ako’y kaniyang pinatnubayan at Is. 5:30.pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.
3 Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli’t muli buong araw
4 Job 16:8.Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; Awit 51:8;Is. 38:13.kaniyang binali ang aking mga buto.
5 Ako’y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.
6 Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, Awit 88:5-6;143:3.gaya ng nangamatay nang malaon.
7 Kaniyang binakuran ako Awit 88:8.na anopa’t ako’y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala.
8 Oo, Awit 22:2.pagka ako’y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing.
9 Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas.
10 Siya’y parangOs. 13:8.oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako.
11 Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako’y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako;
12 Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at Job 16:12.ginawa akong pinaka tanda sa pana.
13 Job 6:4.Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan.
14 Ako’y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang Is. 5:30.awit buong araw.
15 Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, Jer. 9:16.kaniyang sinuya ako ng ajenjo.
16 Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga Kaw. 10:17.maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo.
17 At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako’y nakalimot ng kaginhawahan.
18 At aking sinabi, Ang lakas ko’y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon.
19 Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo.
20 Ang kaluluwa ko’y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko.
21 Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; tal. 24.kaya’t may pagasa ako.
22 Sa mga kaawaan nga ng Mal. 3:6.Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka’t ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.
23 Ang mga yao’y bago Job 7:18.tuwing umaga, Awit 36:5.dakila ang inyong pagtatapat.
24 Ang Panginoon ay aking bahagi, Awit 16:5.sabi ng aking kaluluwa; kaya’t ako’y aasa sa kaniya.
25 Ang Panginoon ay mabuti sa Awit 130:6;Is. 30:18.kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.
26 Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na Awit 37:7.tahimik sa pagliligtas ng Panginoon.
27 Awit 94:12;119:71.Mabuti nga sa tao Mat. 11:29.na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan.
28 Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka’t kaniyang iniatang sa kaniya.
29 Sumubsob siya Job 42:6.sa alabok, kung gayo’y magkakaroon siya ng pagasa.
30 Ibigay niya ang kaniyang pisngi Is. 50:6;Mat. 5:39.sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan.
31 Sapagka’t ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man.
32 Sapagka’t bagaman siya’y nagpapapanglaw, gayon ma’y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan.
33 Sapagka’t siya’y Heb. 12:10.hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao.
34 Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa.
35 Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan,
36 Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon.
37 Sino siya Awit 33:9.na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon?
38 Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama’t mabuti?
39 Bakit dumadaing ang taong may buhay, Mik. 7:9.ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan?
40 Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon.
41 Igawad natin Awit 25:1;119:48.ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit.
42 Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad.
43 Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; Panag. 2:21.ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa.
44 Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na tal. 8.anopa’t hindi makadaan ang anomang panalangin.
45 Iyong ginawa 1 Cor. 4:13.kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan.
46 Panag. 2:16-17;4:16-17.Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
47 Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba.
48 Ang mata ko’y dumadaloy ng mga Awit 119:136.ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.
49 Ang mata ko’y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan.
50 Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit.
51 Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan.
52 Lubha nila akong hinahabol na Awit 11:1.parang ibon, na mga kaaway kong Awit 35:19.walang kadahilanan.
53 Kanilang pinaikli ang aking buhay Jer. 37:16;38:6,9,10.sa bilangguan at Job 12:4;Dan. 6:17.hinagis ako ng bato.
54 Awit 69:2.Tubig ay nagsisihuho sa Awit 88:5.aking ulo; aking sinabi, Ako’y nahiwalay.
55 Ako’y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay.
56 Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing.
57 Ikaw ay lumapit sa araw Sant. 4:8.na ako’y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot.
58 Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay.
59 Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; Awit 9:4;35:23.hatulan mo ang aking usap.
60 Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang Jer. 11:19.pasiya laban sa akin.
61 Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin,
62 Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw.
63 Masdan mo ang kanilang pagupo, Awit 139:2.at ang kanilang pagtayo; tal. 14.ako ang kanilang awit.
64 Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, Awit 28:4.ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.
65 Jer. 11:20.Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila.
66 Iyong hahabulin sila sa galit, Deut. 25:19.at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon.