1 Iyong alalahanin, Oh Panginoon, Awit 89:50.kung anong dumating sa amin:
Iyong masdan, at tingnan ang aming pagkadusta.
2 Ang aming mana ay Awit 79:1.napasa mga taga ibang lupa,
Ang aming mga bahay ay sa mga taga ibang bayan.
3 Kami ay mga ulila at walang ama;
Ang aming mga ina ay parang mga bao.
4 Aming ininom ang aming tubig sa halaga ng salapi;
Ang aming kahoy ay ipinagbibili sa amin.
5 Ang mga manghahabol sa amin ay nangasa aming mga leeg:
Kami ay mga pagod, at walang kapahingahan.
6 Kami ay nakipagkamay Jer. 50:15.sa mga taga Egipto,
At sa mga taga Asiria, upang mangabusog ng tinapay.
7 Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na;
At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan.
8 Mga alipin ay nangagpupuno Nah. 2:10, 19.sa amin:
Walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.
9 Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay,
Dahil sa tabak sa ilang.
10 Ang aming balat Awit 119:83.ay maitim na parang hurno,
Dahil sa maningas na init ng kagutom.
11 Kanilang dinahas ang mga babae, Is. 13:16;Zac. 14:2.sa Sion,
Ang mga dalaga sa mga bayan ng Juda.
12 Ang mga prinsipe ay nangabibitin ng kanilang kamay:
Ang mga mukha ng mga matanda ay Panag. 4:16.hindi iginagalang.
13 Ang mga binata ay nangagpapasan Huk. 16:21.ng gilingan,
At ang mga bata ay nangadudulas sa lilim ng kahoy.
14 Ang mga matanda ay wala na sa pintuang-bayan.
Ang mga binata’y wala na sa kanilang mga tugtugin.
15 Ang kagalakan ng aming puso ay naglikat;
Ang aming sayaw ay napalitan ng tangisan.
16 Ang putong ay nahulog mula sa aming ulo:
Sa aba namin! sapagka’t kami ay nangagkasala.
17 Dahil dito ang aming puso ay nanglulupaypay;
Dahil sa mga bagay na ito ay nagdidilim ang aming mga mata;
18 Dahil sa bundok ng Sion na nasira;
Nilalakaran ng mga zora.
19 Ikaw, Oh Panginoon, Awit 9:7;102:12;Hab. 1:12.nananatili magpakailan man:
Awit 45:6.Ang iyong luklukan ay sa sali’t saling lahi.
20 Bakit mo kami nililimot Awit 13:1.magpakailan man,
At pinababayaan mo kaming totoong malaon?
21 Manumbalik ka sa amin, Awit 80:3,7,19;Jer. 31:18.Oh Panginoon, at kami ay manunumbalik:
Baguhin mo ang aming mga araw na gaya nang una.
22 Nguni’t itinakuwil mo kaming lubos,
Ikaw ay totoong napoot sa amin.