6 Datapuwa’t sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo siya; bakit ninyo siya binabagabag? mabuting gawa ang ginawa niya sa akin.
7 Sapagka’t laging nasa inyo ang mga dukha, at kung kailan man ibigin ninyo ay mangyayaring magawan ninyo sila ng magaling: datapuwa’t ako’y hindi laging nasa inyo.
8 Ginawa niya ang kaniyang nakaya; nagpauna na siya na pahiran ang katawan ko sa Mat. 26:12.paglilibing sa akin.
9 At katotohanang sinasabi ko sa inyo, Saan man ipangaral ang evangelio sa buong sanglibutan, ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya.