Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 5:25-28,34

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

25 At isang babae Lev. 15:25.na may labingdalawang taon nang inaagasan,

26 At siya’y napahirapan na ng maraming bagay ng mga manggagamot, at nagugol na niya ang lahat niyang tinatangkilik, at hindi gumaling ng kaunti man, kundi bagkus pang lumulubha siya,

27 Na pagkarinig niya ng mga bagay tungkol kay Jesus, ay lumapit siya sa karamihan, sa likuran niya, at hinipo ang kaniyang damit.

28 Sapagka’t sinasabi niya, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako.

34 At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo; yumaon kang payapa, at gumaling ka sa salot mo.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    25 May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo. 26 Maraming hirap na ang dinanas niya sa kamay ng ibaʼt ibang manggagamot. Naubos na rin ang lahat ng ari-arian niya sa pagpapagamot, pero sa halip na gumaling ay lalo pang lumala ang kanyang sakit. 27 Nabalitaan niya ang tungkol kay Hesus, kaya nakipagsiksikan siya sa mga tao upang mahipo man lang ang damit ni Hesus. 28 Naisip kasi niya, "Mahawakan ko lamang ang damit niya ay gagaling na ako."

    34 Sinabi sa kanya ni Hesus, "Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Malaya ka na sa iyong paghihirap, kaya umuwi kang mapayapa."

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.