Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 7:10-13

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

10 Sapagka’t sinabi ni Moises, Ex. 20:12.Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Ex. 21:17.Ang manungayaw sa ama o sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala:

11 Datapuwa’t sinasabi ninyo, Kung sabihin ng isang tao sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin Lev. 1:2.ay Corban, sa makatuwid baga’y, hain sa Dios;

12 Hindi na ninyo siya pinabayaang gumawa ng anoman na ukol sa kaniyang ama o sa kaniyang ina;

13 Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali’t-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    10 Katulad na lang ng sinabi ni Moises, ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’7:10 Exo. 20:12; Deu. 5:16. at ‘Ang lumalapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’7:10 Exo. 21:17; Lev. 20:9. 11 Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang anak sa mga magulang niya na ang tulong na ibibigay niya sana sa kanila ay Korban (ang ibig sabihin, nakalaan na sa Diyos), 12 hindi na siya obligadong tumulong pa sa kanila. 13 Pinapawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga kaugaliang ginawa nʼyo at ipinamana sa iba. At marami pa kayong ginagawang tulad nito."

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.