31 At siya’y muling umalis sa Mat. 15:9-31.mga hangganan ng Tiro, at napasa Sidon hanggang sa dagat ng Galilea, na kaniyang tinahak ang mga hangganan ng Mat. 4:25.Decapolis.
32 At dinala nila sa kaniya ang isang bingi at utal; at ipinamanhik nila sa kaniya na kaniyang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniya.
33 At siya’y Mar. 8:23.inihiwalay niya ng bukod sa karamihan, at isinuot ang kaniyang mga daliri sa mga tainga niya, at siya’y Juan 9:6.lumura, at hinipo ang kaniyang dila;
34 At Mat. 14:19;Mar. 6:41.pagkatingala sa langit, ay siya’y Mat. 8:12.nagbuntong-hininga, at sinabi sa kaniya, Mar. 5:41.Ephatha, sa makatuwid baga’y, Mabuksan.
35 At nangabuksan ang kaniyang mga pakinig, at nakalag ang tali ng kaniyang dila, at siya’y nakapagsalitang malinaw.
36 At Mar. 5:43.ipinagbilin niya sa kanila na kanino mang tao ay huwag nilang sabihin: Mat. 9:31.nguni’t kung kailan lalong ipinagbabawal niya sa kanila, ay lalo namang kanilang ibinabantog.
37 At sila’y nangagtataka Mar. 6:51;10:26.ng di kawasa, na nangagsasabi, Mabuti ang pagkagawa niya sa lahat ng mga bagay; kaniyang binibigyang pakinig pati ng mga bingi, at pinapagsasalita ang mga pipi.