Publicidade

Malaquias 4

Panghuling payo.

1 Sapagka’t, narito, ang araw ay Mal. 3:2.dumarating, 2 Tes. 1:8.na nagniningas na parang hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging parang Is. 47:14.dayami, at Mal. 3:10;Luc. 3:9.ang araw na dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na anopa’t hindi magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man.

2 Nguni’t sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat Awit 84:11;Luc. 1:78;Juan 1:4,9;12:46;2 Ped. 1:19;Apoc. 2:28.ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo’y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya mula sa silungan.

3 At inyong yayapakan ang masasama; sapagka’t sila’y magiging abo sa ilalim ng mga talampakan ng inyong mga paa sa kaarawan na aking gawin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

4 Alalahanin ninyo Ex. 20:3, etc.ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya Deut. 4:10.sa Horeb para sa buong Israel, sa makatuwid baga’y ang mga palatuntunan at mga kahatulan.

5 Mal. 3:1.Narito, aking susuguin sa inyo si Mat. 11:14.Elias na propeta Joel 2:31.bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.

6 At kaniyang Luc. 1:17.papagbabalikingloob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako’y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa.

Veja também

Malaquias
Ver todos os capítulos de Malaquias
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-