18 Luc. 1:27.Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya’y nagdadalang-tao sa pamamagitanLuc. 1:35;1 Sam. 14:26.ng Espiritu Santo.
19 At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa’y lalaking matuwid, at Deut. 22:13-21;24:1.ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.
20 Datapuwa’t samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya Mat. 2:12.sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka’t ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.
21 At siya’y manganganak ng isang lalake; Luc. 1:31.at ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y JESUS; Gawa 4:12;13:23.sapagka’t ililigtas niya ang kaniyang bayan Gawa 5:31;13:38.sa kanilang mga kasalanan.