14 At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi,
Is. 6:9-10;Juan 12:11;Gawa 28:26,27.Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mapaguunawa;
At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa’y hindi ninyo mamamalas:
15 Sapagka’t kumapal ang puso ng bayang ito,
At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga,
At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata;
Baka sila’y mangakakita ng kanilang mga mata,
At mangakarinig ng kanilang mga tainga,
At mangakaunawa ng kanilang puso,
At muling mangagbalik loob,
At sila’y aking pagalingin.