Pular para o conteúdo
Publicidade

MATEO 15

3 At siya’y sumagot at sinabi sa kanila, Bakit naman kayo’y nagsisilabag sa utos ng Dios dahil sa inyong sali’t-saling sabi?

4 Sapagka’t sinabi ng Dios, Ex. 20:12.Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ex. 21:17.Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala.

5 Datapuwa’t sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Dios:

6 Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Dios dahil sa inyong sali’t-saling sabi.

7 Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi,

8 Ang bayang ito’y iginagalang ako Is. 29:13.ng kanilang mga labi;

Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin.

9 Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin,

Na nagtuturo ng kanilang Col. 2:22;Tit. 1:14.pinakaaral ang mga utos ng mga tao.

Veja também