6 Datapuwa’t Mar. 9:42;Luc. 17:2.sinomang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisisampalataya sa akin, ay may pakikinabangin pa siya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya’y ilubog sa kalaliman ng dagat.
7 Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod! sapagka’t kinakailangang dumating ang mga kadahilanan; datapuwa’t sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan!
21 Nang magkagayo’y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, tal.15.makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya’y aking patatawarin? Luc. 17:4.hanggang sa makapito?
22 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; Mat. 6:14.kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.