Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 21

1 At Mar. 11:1-10;Luc. 19:29-38.nang malapit na sila sa Jerusalem, at magsidating sa Betfage, sa bundok ng mga Olivo, ay nagsugo nga si Jesus ng dalawang alagad,

2 Na sinasabi sa kanila, Magsiparoon kayo sa nayong nasa tapat ninyo, at pagdaka’y masusumpungan ninyo ang isang nakatali na babaing asno, na may kasamang isang batang asno: kalagin ninyo, at dalhin ninyo sa akin.

3 At kung ang sinoman ay magsabi ng anoman sa inyo, ay sasabihin ninyo, Kinakailangan sila ng Panginoon; at pagdaka’y kaniyang ipadadala sila.

4 Juan 12:12-15.Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,

5 Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion:

Zac. 9:9.Narito, ang Hari mo’y pumaparito sa iyo,

Na maamo, at nakasakay sa isang asno,

At sa isang batang asno na anak ng babaing asno.

6 At nagsiparoon ang mga alagad, at ginawa ang ayon sa ipinagutos ni Jesus sa kanila,

7 At kanilang dinala ang babaing asno, at ang batang asno, at inilagay nila sa ibabaw ng mga ito ang kanilang mga damit; at dito siya’y sumakay.

8 At inilalatag sa daan ng kalakhang bahagi ng karamihan ang kanilang mga damit; at ang mga iba’y nagsiputol ng mga sanga ng mga punong kahoy, at inilalatag sa daan.

9 At ang mga karamihang nangasa unahan niya, at ang nagsisunod, ay nagsisigawan, na nagsisipagsabi, Hosana sa Anak ni David: Awit 118:26.Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan.

10 At nang pumasok si Jesus sa Jerusalem, ay nagkagulo ang Mar. 11:15.buong bayan, na nagsasabi, Sino kaya ito?

11 At sinabi ng mga karamihan, Ito’y Luc. 7:16;Juan 6:14.ang propeta, Jesus, na taga Mat. 2:23.Nazaret ng Galilea.

Veja também