Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 23:23,24

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

23 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong Mat. 9:13;12:7.pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba’t ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.

24 Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    23 "Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Ibinibigay nga ninyo kahit ang ikapu23:23 ikapu: Ang ibig sabihin, "ikasampu o sampung porsyento." ng inyong mga pampalasa ng pagkain, ngunit hindi naman ninyo sinusunod ang mga mas mahalagang utos tungkol sa pagiging makatarungan, mahabagin, at pagiging tapat. Dapat ngang magbigay kayo ng inyong mga ikapu, ngunit huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mga mas mahalagang utos. 24 Mga bulag na tagaakay! Sinasala ninyo ang maliliit na insekto sa inyong inumin, ngunit lumululon naman kayo ng kamelyo!

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.