1 Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin Mat. 9:15;Juan 3:29;Ef. 5:29,30,32;Apoc. 19:7;21:2,9.ang kasintahang lalake.
2 At ang lima sa kanila’y mga mangmang, at ang lima’y Mat. 13:47.matatalino.
3 Sapagka’t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis:
4 Datapuwa’t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan.
5 Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay 1 Tes. 5:6.nangagantok silang lahat at nangakatulog.
6 Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.
7 Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan.
8 At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka’t nangamamatay ang aming mga ilawan.
9 Datapuwa’t nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasiya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbibili, at magsibili kayo ng ganang inyo.
10 At samantalang sila’y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalake; at Mat. 24:44.ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at Luc. 13:25.inilapat ang pintuan.
11 Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga, na nagsisipagsabi, Mat. 7:21,22.Panginoon, Panginoon, buksan mo kami.
12 Datapuwa’t sumagot siya at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Mat. 7:23.Hindi ko kayo nangakikilala.
13 Mangagpuyat nga kayo, Mat. 24:42.sapagka’t hindi ninyo nalalaman ang araw ni ang oras.