Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 26

1 At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad,

2 Nalalaman ninyo Mar. 14:1,2;Luc. 22:1,2;Juan 11:55;13:1.na pagkaraan ng dalawang araw ay darating ang paskua, at ibibigay ang Anak ng tao upang ipako sa krus.

3 Nang magkagayo’y ang mga pangulong saserdote, at ang mga matanda sa bayan ay nangagkatipon sa Mar. 14:54;Juan 18:15.looban ng dakilang saserdote, na tinatawag na Luc. 3:2;Juan 11:49.Caifas;

4 At sila’y nangagsanggunian upang hulihin si Jesus sa pamamagitan ng daya, at siya’y patayin.

5 Datapuwa’t sinabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo sa bayan.

6 Mar. 14:3-9;Luc. 7:36-50;Juan 2:1-8.Nang nasa Mat. 21:17.Betania nga si Jesus sa bahay ni Simon na ketongin,

7 Ay lumapit sa kaniya ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro ng unguento na lubhang mahalaga, at ibinuhos sa kaniyang ulo, samantalang siya’y nakaupo sa pagkain.

8 Datapuwa’t nang makita ito ng mga alagad, ay Juan 14:4.nangagalit sila, na nangagsasabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito?

9 Sapagka’t ito’y maipagbibili sa Mar. 14:5;Juan 12:5.malaking halaga, at maibibigay sa mga dukha.

10 Datapuwa’t nang mahalata ito ni Jesus ay sinabi sa kanila, Bakit ninyo binabagabag ang babae? sapagka’t gumawa siya sa akin ng mabuting gawa.

11 Sapagka’t laging nangasa inyo ang mga dukha; datapuwa’t ako’y hindi laging nasa inyo.

12 Sapagka’t sa pagbubuhos niya nitong unguento sa aking katawan, ay ginawa niya ito upang ihanda ako sa Juan 19:40.paglilibing.

13 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Saan man ipangaral ang evangeliong ito sa buong sanglibutan, ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya.

14 Mar. 14:10,11;Luc. 22:3-6.Nang magkagayo’y isa sa labingdalawa, na tinatawag na Mat. 10:4;27:3.Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote,

15 At sinabi, Mat. 27:3.Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siya’y ibibigay ko sa inyo? At siya’y tinimbangan nila ng Ex. 21:32.tatlongpung putol na pilak.

16 At buhat nang panahong yao’y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya.

17 Mar. 14:12-16;Luc. 22:7-13.Nang Ex. 12:6,18.unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua?

18 At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan Mar. 14:13.sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi Juan 11:28.ng Guro, malapit na ang Juan 7:6,8.aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad.

19 At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua.

20 Mar. 14:17-21.Nang dumating nga ang gabi, Luc. 22:14.ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad;

21 At samantalang sila’y nagsisikain, ay sinabi niya, Juan 13:21.Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako’y ipagkakanulo ng isa sa inyo.

22 At sila’y lubhang nangamanglaw, at nagpasimula ang bawa’t isa na magsabi sa kaniya, Ako baga, Panginoon?

23 At siya’y sumagot at sinabi, Juan 13:18.Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin.

24 Luc. 22:22.Ang Anak ng tao ay papanaw, Luc. 24:25-27,46.ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa’t Juan 17:12.sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak.

25 At si Judas, na sa kaniya’y nagkanulo, ay Juan 13:26.sumagot at nagsabi, Ako baga, Rabi? Sinabi niya sa kaniya, Ikaw ang nagsabi.

26 Mar. 14:22-25;Luc. 22:19-20;1 Cor. 11:23-25.At samantalang sila’y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.

27 At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;

28 Sapagka’t Ex. 24:8.ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos Mat. 20:28.dahil sa marami, Mar. 1:4.sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

Veja também