1 At nang mga araw na yaon ay dumating si Hanggang tal.12;Mar. 1:2-8;Luc. 3:2-17.Juan Bautista, na nangangaral Juan 1:28;3:23.sa ilang ng Judea, na nagsasabi,
2 Mangagsisi kayo; sapagka’t Dan. 2:44;Mat. 4:17;5:10;10:7;Mar. 1:15.malapit na ang kaharian ng langit.
3 Sapagka’t ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi,
Ang Is. 40:3.tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
4 Si Juan nga ay nananamit 2 Hari 1:8.ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang; at ang kaniyang pagkain ay mga Lev. 11:22.balang 1 Sam. 14:26.at pulot-pukyutan.
5 Nang magkagayo’y nilabas siya ng Jerusalem, at ng buong Judea, at ng buong lupain sa palibotlibot ng Jordan;
6 At sila’y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan.