Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 5

13 Kayo ang asin ng lupa: Mar. 9:50;Luc. 14:34,35.nguni’t kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao.

14 Kayo ang ilaw Fil. 2:15.ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.

15 Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, Mar. 4:21;Luc. 8:16;11:33.at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.

16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; 1 Ped. 2:12.upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at Juan 15:8.kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.

Veja também