14 Kayo ang ilaw Fil. 2:15.ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago.
15 Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, Mar. 4:21;Luc. 8:16;11:33.at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.
16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; 1 Ped. 2:12.upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at Juan 15:8.kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.