Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateus 8

5 At Luc. 7:1-10.pagpasok niya sa Capernaum, ay lumapit sa kaniya ang isang senturion, na sa kaniya’y namanhik,

6 At nagsasabi, Panginoon, ang aking alila ay nararatay sa bahay, lumpo, at lubhang nahihirapan.

7 At sinabi niya sa kaniya, Paroroon ako, at siya’y aking pagagalingin.

8 At sumagot ang senturion at sinabi, Panginoon, hindi ako karapat-dapat na ikaw ay pumasok sa ilalim ng aking bubungan; datapuwa’t sabihin mo lamang ang salita, at gagaling ang aking alila.

9 Sapagka’t ako rin naman ay taong nasa ilalim ng kapamahalaan, na may nasasakupan akong mga kawal: at sinasabi ko rito, Yumaon ka, at siya’y yumayaon; at sa isa, Halika, at siya’y lumalapit; at sa aking alipin, Gawin mo ito, at kaniyang ginagawa.

10 At nang marinig ito ni Jesus, ay nagtaka siya, at sinabi sa nagsisisunod, Mat. 9:2.Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kahit sa Israel man, ay hindi ako nakasumpong ng ganito kalaking pananampalataya.

11 At sinabi ko sa inyo, na marami ang Mal. 1:11;Luc. 13:29;Rom. 15:9-12;Gal. 3:14.magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at Mat. 26:29;Luc. 22:30.magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, sa kaharian ng langit:

12 Datapuwa’t Mat. 13:38;21:43.ang mga anak ng kaharian ay pawang itatapon sa Mat. 22:13;25:30.kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.

13 At sinabi ni Jesus sa senturion, Humayo ka ng iyong lakad; at ayon sa iyong pagsampalataya, ay gayon ang sa iyo’y mangyari. At gumaling ang kaniyang alila sa oras ding yaon.

Veja também