Pular para o conteúdo
Publicidade

Neemias 2

11 Ezra 8:32.Sa gayo’y naparoon ako sa Jerusalem, at dumoon akong tatlong araw.

12 At ako’y bumangon sa kinagabihan, ako, at ilang lalake na kasama ko; ni hindi ko man isinaysay sa kanino man kung anong inilagak ng aking Dios sa aking puso na gawin sa ikagagaling ng Jerusalem: wala rin namang anomang hayop na kasama ako, liban sa hayop na aking sinasakyan.

13 At ako’y lumabas ng kinagabihan sa 2 Cron. 26:9;Neh. 3:13-14.pintuang-bayan ng libis, sa makatuwid baga’y sa dako ng balon ng dragon, at sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi, at minasdan ko ang mga kuta ng Jerusalem, na nangabagsak, at ang mga pintuang-bayan na sinupok ng apoy.

14 Nang magkagayo’y nagpatuloy ako sa Neh. 3:15;12:37.pintuang-bayan ng bukal at sa 2 Hari 20:20.tangke ng hari: nguni’t walang dakong mararaanan ang hayop sa ilalim ko.

15 Nang magkagayo’y namaybay ako ng kinagabihan sa 2 Sam. 15:23.batis, at aking minasdan ang kuta; at ako’y bumalik, at pumasok sa pintuang-bayan ng libis, at sa gayo’y pumihit ako.

16 At hindi naalaman ng mga Ezra 9:2.pinuno kung saan ako naparoon, o kung ano ang ginawa ko; ni hindi ko rin isinaysay sa mga Judio, ni sa mga saserdote man, ni sa mga mahal na tao man, ni sa mga pinuno man, ni sa nalabi man na gumagawa ng gawain.

Veja também