Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Bilang 15:37-41

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Ipinagutos ang paglalagay ng tirintas.

37 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

38 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila Deut. 22:12;Mat. 23:5.na sila’y gumawa ng mga tirintas sa mga laylayan ng kanilang mga damit sa buong panahon ng kanilang mga lahi, at kanilang patungan ang tirintas ng bawa’t laylayan ng isang panaling bughaw:

39 At sa inyo’y magiging isang tirintas, upang inyong mamasdan, at inyong maalaala ang lahat ng mga utos ng Panginoon, at inyong tuparin; at upang huwag kayong sumunod sa inyong sariling puso Ezek. 6:9.at sa inyong sariling mga mata, na Awit 73:27;106:39.siya ninyong ipinangaapid:

40 Upang inyong maalaala at gawin ang lahat ng aking mga utos, Lev. 11:44-45.at maging banal kayo sa inyong Dios.

41 Ako ang Panginoon ninyong Dios, na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang maging inyong Dios: ako ang Panginoon ninyong Dios.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    37 Inutusan pa ng Panginoon si Moises 38 na sabihin ito sa mga Israelita: "Gumawa kayo ng mga palawit sa laylayan ng inyong mga damit at lagyan ninyo ito ng taling kulay asul. Kailangang sundin ninyo ito hanggang sa susunod pang mga henerasyon. 39 Ang mga palawit na ito ang magpapaalala sa inyo ng lahat kong mga utos para sundin ninyo ito at hindi ang inyong kagustuhan lang ang inyong gawin. 40 Sa pamamagitan ng mga palawit na ito, maaalala ninyo ang pagtupad sa aking kasunduan, at magiging akin kayo. 41 Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto para maging inyong Diyos. Ako ang Panginoon na inyong Diyos."

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.