5 Pagka ang kampamento ay isusulong, ay papasok si Aaron sa loob, Ex. 26:31.at ang kaniyang mga anak, at kanilang ibababa ang lambong ng tabing, at kanilang tatakpan niyaon ang Ex. 25:10,16.kaban ng patotoo:
15 At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma’t isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga Blg. 7:9;10:21;Deut. 31:9;2 Sam. 6:13.anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: 2 Sam. 6:6-7;1 Cron. 13:9-10.datapuwa’t huwag silang hihipo sa santuario, baka sila’y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan.
24 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita, sa paglilingkod at sa pagdadala ng mga pasanin:
31 Blg. 3:36-37.At ito ang katungkulan sa kanilang pasanin ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan: ang mga tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan;