Publicidade

Provérbios 12

Iba’t ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

1 Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman:

Nguni’t siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal.

2 Kaw. 8:35.Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon:

Nguni’t kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha.

3 Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan:

Kaw. 10:25.Nguni’t ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos.

4 Kaw. 31:23;1 Cor. 11:7.Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa:

Nguni’t siyang nakahihiya ay parang Kaw. 14:30.kabulukan sa kaniyang mga buto.

5 Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap:

Nguni’t ang mga payo ng masama ay magdaraya.

6 Kaw. 1:11.Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo:

Nguni’t ililigtas sila ng bibig ng matuwid.

7 Ang masama ay Awit 37:36,37;Kaw. 11:21;Mat. 7:24-27.inilulugmok at nawawala:

Nguni’t ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo.

8 Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan:

Nguni’t ang masama sa puso ay hahamakin.

9 Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin,

Kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay.

10 Deut. 25:4.Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop:

Nguni’t ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.

11 Kaw. 28:19.Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay:

Nguni’t siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa.

12 Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao:

Nguni’t ang ugat ng matuwid ay nagbubunga.

13 Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao:

Kaw. 21:23;2 Ped. 2:9.Nguni’t ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan.

14 Kaw. 13:2;18:20.Ang tao ay Kaw. 1:31;11:30;Is. 3:10.masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig;

At ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya.

15 Kaw. 3:7;16:2.Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata:

Nguni’t siyang pantas ay nakikinig sa payo.

16 Kaw. 29:11.Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala:

Nguni’t ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan.

17 Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran,

Nguni’t ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya.

18 Awit 57:4;59:7;64:4;120:4.May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak:

Nguni’t ang dila ng pantas ay kagalingan.

19 Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man.

Awit 52:4,5;Kaw. 19:9.Nguni’t ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang.

20 Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan:

Nguni’t sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan.

21 Awit 34:21;Rom. 8:28.Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid:

Nguni’t ang masama ay mapupuno ng kasamaan.

22 Kaw. 6:16,17;11:20;Apoc. 22:15.Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon:

Nguni’t ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.

23 Kaw. 13:16;15:2.Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman:

Nguni’t ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan.

24 Kaw. 10:14.Ang kamay ng masipag ay magpupuno:

Nguni’t ang tamad ay malalagay sa pagatag.

25 Kaw. 15:13.Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot;

Nguni’t ang mabuting salita ay nagpapasaya.

26 Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa:

Nguni’t ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw.

27 Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan;

Nguni’t ang mahalagang pagaari ng tao ay sa mga masisipag.

28 Nasa daan ng katuwiran ang buhay;

At sa kaniyang landas ay walang kamatayan.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-