1 Ang humihiwalay ay humahanap ng sarili niyang nasa,
At nakikipagtalo laban sa lahat na magaling na karunungan.
2 Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa,
Kundi maihayag lamang Kaw. 13:16;Ec. 10:3.ang kaniyang puso.
3 Pagka ang masama ay dumarating, dumarating din naman ang paghamak,
At kasama ng kutya ang pagkaduwahagi.
4 Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig; Ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis.
5 Lev. 19:15;Deut. 1:17;16:19;Kaw. 24:23.Igalang ang pagkatao ng masama ay hindi mabuti,
Ni iligaw man ang matuwid sa kahatulan.
6 Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit,
At tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas.
7 Kaw. 10:14;Ec. 10:12.Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan,
At ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa.
8 Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo,
At nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan.
9 Siya mang walang bahala sa kaniyang gawain
Ay Kaw. 28:24.kapatid siya ng maninira.
10 Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na 2 Sam. 22:3;Awit 18:2;27:1;91:2;144:2.moog:
Tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas.
11 Kaw. 10:15.Ang yaman ng mayamang tao ay ang kaniyang matibay na bayan,
At gaya ng matayog na kuta sa kaniyang sariling isip,
12 Kaw. 15:33;29:23.Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao,
At bago ang karangalan ang pagpapakumbaba.
13 Ang sumasagot Juan 7:51.bago makinig,
Ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.
14 Aalalayan ng diwa ng tao ang kaniyang sakit;
Nguni’t Kaw. 15:13.ang bagbag na diwa sinong nakapagdadala?