Pular para o conteúdo
Publicidade

Provérbios 2

Ang babala ng karunungan laban sa mga napopoot sa kaniya.

1 Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita,

Kaw. 4:21.At tataglayin mo ang aking mga utos;

2 Na anopa’t iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan,

At ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa;

3 Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay,

At itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;

4 Kaw. 3:14;Mat. 13:44.Kung iyong hahanapin siya na parang pilak,

At sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.

5 Kung magkagayo’y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon,

At masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.

6 Sapagka’t ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan,

Sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:

Veja também