1 Ang Gen. 9:21;Kaw. 23:29-32;Ef. 5:18.alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo;
At sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas.
2 Ang kakilabutan ng hari ay Kaw. 19:12.parang ungal ng leon:
Ang namumungkahi sa kaniya sa galit ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling buhay.
3 Kaw. 17:14.Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit:
Nguni’t bawa’t mangmang ay magiging palaaway.
4 Kaw. 6:11.Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw;
Kaya’t siya’y magpapalimos sa pagaani, Kaw. 19:15.at wala anoman.
5 Payo sa puso ng tao ay Kaw. 18:4.parang malalim na tubig;
Nguni’t iibigin ng taong naguunawa.
6 Maraming tao ay magtatanyag bawa’t isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob:
Nguni’t sinong makakasumpong sa taong tapat?
7 Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat,
Mapapalad ang Awit 112:2.kaniyang mga anak na susunod sa kaniya.
8 tal.26.Ang hari na nauupo sa luklukan ng kahatulan
Pinananabog ng kaniyang mga mata ang lahat na kasamaan.
9 1 Hari 8:46;2 Cron. 6:36;Awit 51:5;Ec. 7:20,28;Rom. 3:9;1 Juan 1:8.Sinong makapagsasabi, Nilinis ko ang aking puso,
Ako’y dalisay sa aking kasalanan?
10 Mga iba’t ibang panimbang, at mga iba’t ibang takalan,
Kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon.
11 Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa,
Kung ang kaniyang gawa ay magiging malinis, at kung magiging matuwid.
12 Ang nakikinig na tainga, at ang nakakakitang mata,
Kapuwa ginawa ng Panginoon.
13 Huwag mong ibigin ang pagtulog, baka ka madukha;
Idilat mo ang iyong mga mata, at mabubusog ka ng tinapay.
14 Walang halaga, walang halaga, sabi ng mamimili:
Nguni’t pagka nakalayo siya, naghahambog nga.
15 May ginto, at saganang mga rubi:
Nguni’t Job 28:12,16-19;Kaw. 3:15.ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas.
16 Kaw. 27:13.Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala;
At tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala.
17 Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao:
Nguni’t pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok.
18 Kaw. 11:14.Bawa’t panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo:
At sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay Luc. 14:31.makikipagdigma ka.
19 Kaw. 11:13.Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim:
Kaya’t huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi.
20 Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina,
Ang kaniyang ilawan ay Job 18:5.papatayin sa salimuot na kadiliman.
21 Kaw. 13:11.Ang mana ay matatamong madali sa pasimula;
Hab. 2:6.Nguni’t ang wakas niyao’y hindi pagpapalain.
22 Huwag mong sabihin, Deut. 32:35;Kaw. 24:29;Mat. 5:39;Rom. 12:17.Ako’y gaganti ng kasamaan:
Awit 27:13.Maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka.
23 Mga iba’t ibang panimbang ay tal.10.karumaldumal sa Panginoon;
At ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti.
24 Ang mga lakad ng tao ay Awit 37:23;Kaw. 16:9;Jer. 10:23.sa Panginoon;
Paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad?
25 Silo nga sa tao ang magsabi ng walang pakundangan, Banal nga,
At magsiyasat pagkatapos ng mga panata.
26 Awit 101:5, etc.Ang pantas na hari ay nagpapapanabog ng masama.
At dinadala Is. 28:27.sa kanila ang gulong na panggiik.
27 Ang diwa ng tao ay 1 Cor. 2:11.ilawan ng Panginoon,
Na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
28 Awit 101:1;Kaw. 29:14.Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapalagi sa hari:
At ang kaniyang luklukan ay inaalalayan ng kagandahang-loob.
29 Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan:
At ang kagandahan ng matanda ay Kaw. 16:31.ang ulong may uban.
30 Ang mga latay na sumasakit ay lumilinis ng kasamaan:
At ang mga hampas ay dinaramdam sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.