1 Huwag kang Awit 37:1;73:3.mananaghili sa mga masamang tao,
Ni magnasa ka man na masama sa kanila:
2 Sapagka’t ang kanilang puso ay nagaaral ng pagpighati,
Awit 10:7.At ang kanilang mga labi ay nagsasalita ng kalikuan.
3 Kaw. 9:1.Sa karunungan ay natatayo ang bahay;
At sa pamamagitan ng unawa ay natatatag.
4 At sa pamamagitan ng kaalaman ay napupuno ang mga silid,
Ng lahat na mahalaga at maligayang mga kayamanan.
5 Ec. 9:16.Ang pantas na tao ay malakas;
Oo, ang taong maalam ay lumalago ang kapangyarihan.
6 Kaw. 11:14;20:18.Sapagka’t sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka:
At sa karamihan ng mga tagapayo ay may kaligtasan.
7 Karunungan ay totoong mataas Kaw. 14:6.sa ganang mangmang:
Hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig sa pintuang-bayan.
8 Rom. 1:30.Siyang kumakatha ng paggawa ng kasamaan,
Tatawagin siya ng mga tao na masamang tao.
9 Ang pagiisip ng kamangmangan ay kasalanan:
At ang mangduduwahagi ay karumaldumal sa mga tao.
10 Kung ikaw ay manglupaypay sa kaarawan ng kasakunaan,
Ang iyong kalakasan ay munti.
11 Awit 82:4.Iligtas mo silang nangadala sa kamatayan,
At ang mga handang papatayin, ay tingnan mo na iyong ibalik.
12 Kung iyong sinasabi, Narito, hindi kami nakakaalam nito:
Hindi ba niya binubulay Kaw. 21:2.na tumitimbang ng mga puso?
At siyang nagiingat ng iyong kaluluwa, hindi ba niya nalalaman?
Job 34:11;Awit 62:12;Jer. 32:19;Rom. 2:6;Apoc. 22:12.At hindi ba niya gagantihin ang bawa’t tao ayon sa gawa niya?
13 Anak ko, A. ng A. 5:1.kumain ka ng pulot, sapagka’t mabuti;
At ng pulot-pukyutan na matamis sa iyong lasa:
14 Awit 19:10;119:103.Sa gayo’y matututo ka ng karunungan na malalagay sa iyong kaluluwa:
Kung iyong nasumpungan ito, sa gayo’y magkakaroon ka nga ng kagantihan,
At ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.
15 Huwag kang bumakay, Awit 10:9,10.Oh masamang tao, sa tahanan ng matuwid;
Huwag mong sirain ang kaniyang dakong pahingahan:
16 Awit 37:24;79:12;Job 5:19.Sapagka’t ang matuwid ay nabubuwal na makapito, at bumabangon uli:
Nguni’t ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan.
17 Huwag kang magalak Awit 35:15,19;Kaw. 17:5.pagka ang iyong kaaway ay nabubuwal,
At huwag matuwa ang iyong puso pagka siya’y nabubuwal:
18 Baka makita ng Panginoon, at ipagdamdam ng loob siya,
At kaniyang ihiwalay ang poot niya sa kaniya.
19 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng masama;
Ni maging mapanaghiliin ka man sa masama:
20 Sapagka’t hindi magkakaroon ng kagantihan sa masamang tao;
Job 21:17;Kaw. 13:9.Ang ilawan ng masama ay papatayin.
21 Anak ko, Rom. 13:7;1 Ped. 2:17.matakot ka sa Panginoon at sa hari:
At huwag kang makisalamuha sa kanila na mapagbago:
22 Sapagka’t ang kanilang kasakunaan ay darating na bigla;
At sinong nakakaalam ng kasiraan nila kapuwa?
23 Ang mga ito man ay sabi rin ng pantas.
Lev. 19:15;Deut. 1:17;16:19;Kaw. 28:21;Mat. 22:16;Juan 7:24.Magkaroon ng pagtangi ng mga pagkatao sa kahatulan, ay hindi mabuti.
24 Kaw. 17:15;Is. 5:23.Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid;
Susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
25 Nguni’t silang nagsisisaway sa kaniya ay magkakaroon ng kaluguran,
At ang mabuting pagpapala ay darating sa kanila.
26 Siya’y humahalik sa mga labi
Niyaong nagbibigay ng matuwid na sagot.
27 1 Hari 5:17,18;Luc. 14:28.Ihanda mo ang iyong gawa sa labas,
At ihanda mo sa iyo sa parang;
At pagkatapos ay itayo mo ang iyong bahay.
28 Kaw. 25:18;Ef. 4:5.Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapuwa ng walang kadahilanan;
At huwag kang magdaya ng iyong mga labi.
29 Huwag mong sabihin, Gagawin kong gayon sa kaniya na gaya ng ginawa niya sa akin:
Aking ibibigay sa tao ang ayon sa kaniyang gawa.
30 Job 5:3.Ako’y nagdaan sa tabi ng bukid ng tamad,
At sa tabi ng ubasan ng taong salat sa unawa;
31 At, Gen. 2:18.narito, tinubuang lahat ng mga tinik,
Ang ibabaw niyaon ay natakpan ng mga dawag,
Is. 5:5.At ang bakod na bato ay nabagsak.
32 Ako nga’y tumingin, at aking binulay na mabuti:
Aking nakita, at tumanggap ako ng turo.
33 Kaw. 6:10,11;Ec. 4:5.Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip,
Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
34 Gayon darating ang iyong karalitaan na parang magnanakaw;
At ang iyong kasalatan na parang nasasandatahang tao.