Publicidade

Provérbios 3

Payo upang matakot, magtiwala, at sumunod sa Panginoon. Ang ganting pala ng karunungan.

1 Anak ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan;

Deut. 8:1;30:16,20.Kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos:

2 Sapagka’t Awit 91:16.karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay,

At kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.

3 Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan:

Ex. 13:9,16;Deut. 6:8;Kaw. 6:21;7:3.Itali mo sa palibot ng iyong leeg;

Jer. 17:1;2 Cor. 3:3.Ikintal mo sa iyong puso:

4 Awit 111:10.Sa gayo’y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan,

Sa paningin ng Dios at ng tao.

5 Awit 37:3,5.Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo,

Jer. 9:23.At huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:

6 Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad,

At kaniyang Jer. 10:23.ituturo ang iyong mga landas.

7 Rom. 12:16.Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata;

Matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan:

8 Magiging kagalingan sa iyong pusod,

At utak sa iyong mga buto.

9 Ex. 22:29;Mal. 3:10.Parangalin mo ang Panginoon ng iyong tinatangkilik,

At ng mga unang bunga ng lahat mong ani:

10 Sa gayo’y mapupuno ang iyong mga kamalig ng sagana,

At ang iyong mga alilisan ay aapawan ng bagong alak.

11 Anak ko, Heb. 12:15;Apoc. 3:19.huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon;

Ni mayamot man sa kaniyang saway:

12 Sapagka’t sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig:

1 Cor. 11:32.Gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.

13 Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan,

At ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.

14 Job 26:15-17;Awit 19:10;Kaw. 2:4;8:11.Sapagka’t ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak,

At ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto.

15 Mahalaga nga kay sa mga rubi;

At wala Mat. 13:44.sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya,

16 Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya,

Sa kaniyang kaliwang kamay ay Kaw. 8:18.mga kayamanan at karangalan.

17 Mat. 11:29,30.Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan,

At lahat niyang mga landas ay kapayapaan.

18 Siya ay Gen. 2:9;3:22.punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya:

At mapalad ang bawa’t isa na nangamamalagi sa kaniya.

19 Nilikha ng Awit 104:5,24;136:5;Kaw. 8:27;Jer. 10:12.Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan;

Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.

20 Gen. 1:9.Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman,

At ang mga alapaap ay nagsipatak ng Deut. 33:28.hamog.

21 Anak ko, huwag silang mangahiwalay sa iyong mga mata;

Ingatan mo ang magaling na karunungan at ang kabaitan;

22 Sa gayo’y magiging buhay sila sa iyong kaluluwa,

At Kaw. 1:9.biyaya sa iyong leeg.

23 Awit 37:24;Kaw. 10:9.Kung magkagayo’y lalakad ka ng iyong lakad na tiwasay,

At ang iyong paa ay hindi matitisod.

24 Lev. 26:6;Awit 3:5;4:8.Pagka ikaw ay nahihiga, hindi ka matatakot:

Oo, ikaw ay mahihiga at ang iyong tulog ay magiging mahimbing.

25 Awit 91:5;1 Ped. 3:14.Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot,

Ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating:

26 Sapagka’t ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala,

At iingatan ang iyong paa sa pagkahuli.

27 Gal. 6:10.Huwag mong ikait ang mabuti sa kinauukulan,

Pagka nasa kapangyarihan ng iyong kamay na ito’y gawin.

28 Lev. 19:13.Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli,

At bukas ay magbibigay ako;

Pagka ikaw ay mayroon.

29 Huwag kang kumatha ng kasamaan laban sa iyong kapuwa,

Na palibhasa’t tumatahang tiwasay sa siping mo.

30 Rom. 12:18.Huwag kang makipagusapin sa kanino man ng walang kadahilanan,

Kung hindi siya gumawa ng kasamaan sa iyo.

31 Awit 37:1.Huwag kang managhili sa taong marahas,

At huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad.

32 Sapagka’t ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon:

Job 29:4.Nguni’t ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid.

33 Lev. 26:14-43;Awit 37:21.Ang sumpa ng Panginoon ay nasa bahay ng masama;

Nguni’t pinagpapala niya ang tahanan ng matuwid.

34 Tunay na kaniyang dinuduwahagi ang mga mangduduwahagi,

Sant. 4:6;1 Ped. 5:5.Nguni’t binibigyan niya ng biyaya ang mababa.

35 Ang pantas ay magmamana ng kaluwalhatian;

Nguni’t kahihiyan ay magiging ganti sa mga mangmang.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-