8 Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya,
At huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay:
9 Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba,
At ang iyong mga taon sa mga mabagsik:
10 Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan;
At ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;
11 At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas,
Pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw,
12 At iyong sabihin,
Bakit ko kinayamutan ang turo,
At Kaw. 1:25;12:1.hinamak ng aking puso ang saway:
13 Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo,
O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin!
14 Ako’y malapit sa lahat ng kasamaan
Sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.