1 Anak ko, Kaw. 11:15;17:18;20:16;22:26;27:13.kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa,
Kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala,
2 Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig,
Ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.
3 Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka,
Yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa:
Yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa.
4 Awit 132:4.Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata.
O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata.
5 Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso,
At Awit 91:3;124:7.parang ibon sa kamay ng mamimitag.
6 Job 12:7.Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad;
Masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
7 Na bagaman walang pangulo,
Tagapamahala, o pinuno,
8 Kaw. 30:25.Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit,
At pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
9 Hanggang kailan matutulog ka, Oh Kaw. 24:33.tamad?
Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?
10 Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip,
Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
11 Sa gayo’y ang iyong karalitaan ay Kaw. 10:4;13:4;20:4.darating na parang magnanakaw,
At ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.
12 Taong walang kabuluhan, taong masama,
Ay siya na lumalakad na may masamang bibig;
13 Job 15:12;Awit 35:19.Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa,
Na nagsasalita ng kaniyang mga daliri;
14 Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, Mik. 2:1.siya’y laging kumakatha ng kasamaan;
Siya’y naghahasik ng pagtatalo.
15 Kaya’t darating na bigla ang kaniyang kasakunaan;
Sa kabiglaanan Jer. 19:11.ay mababasag siya, at 2 Cron. 36:16.walang kagamutan.
16 May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon;
Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:
17 Awit 18:27;101:5.Mga palalong mata, Awit 31:18;120:2,3.sinungaling na dila,
Is. 1:15;59:3.At mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
18 Gen. 6:5.Puso na kumakatha ng mga masamang akala,
Rom. 3:15.Mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;
19 Awit 27:12.Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan,
At ang tal.4.naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.
20 Anak ko, Kaw. 1:8.ingatan mo ang utos ng iyong ama,
At huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina:
21 Kaw. 3:3;7:3.Ikintal mong lagi sa iyong puso,
Itali mo sa iyong Kaw. 1:9.leeg.
22 Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo;
Pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo;
At pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo.
23 Awit 19:8;119:105.Sapagka’t ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag;
At ang mga saway na turo ay daan ng buhay:
24 Kaw. 2:16;5:3;7:5.Upang ingatan ka sa masamang babae,
Sa tabil ng dila ng di kilala.
25 Mat. 5:28.Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso;
At huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata.
26 Sapagka’t Kaw. 29:3.dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay:
At Gen. 38:14.hinuhuli Ezek. 13:18.ng mangangalunya ang mahalagang buhay.
27 Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan,
At hindi masusunog ang kaniyang mga suot?
28 O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga,
At ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso?
29 Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa;
Sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan.
30 Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya’y nagnanakaw,
Upang busugin siya pagka siya’y gutom:
31 Nguni’t kung siya’y masumpungan, Ex. 22:1,4.isasauli niyang makapito;
Kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay.
32 Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay Kaw. 7:7.walang bait:
Ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa.
33 Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya;
At ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi.
34 Sapagka’t ang paninibugho ay pagiinit ng tao;
At hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti.
35 Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos;
Ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol.