6 Job 12:7.Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad;
Masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
7 Na bagaman walang pangulo,
Tagapamahala, o pinuno,
8 Kaw. 30:25.Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit,
At pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
9 Hanggang kailan matutulog ka, Oh Kaw. 24:33.tamad?
Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?
10 Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip,
Kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
11 Sa gayo’y ang iyong karalitaan ay Kaw. 10:4;13:4;20:4.darating na parang magnanakaw,
At ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.