Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga Roma 11

1 Sinasabi ko nga, Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan? Huwag nawang mangyari. Sapagka’t 2 Cor. 11:22;Fil. 3:5.ako man ay Israelita, sa binhi ni , sa angkan ni .

2 Awit 94:14.Hindi itinakuwil ng Dios ang kaniyang bayan na Rom. 8:29.nang una pa’y kinilala niya. O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay ? kung paanong namamagitan siya sa Dios laban sa Israel na sinabi:

3 Panginoon, pinatay nila 1 Hari 19:10,14.ang iyong mga propeta, giniba nila ang iyong mga dambana; at ako’y naiwang nagiisa, at hinahanap nila ang aking buhay.

4 Datapuwa’t ano ang sinasabi ng kasagutan ng Dios sa kaniya? 1 Hari 19:18.Nagtira ako sa akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal.

5 Gayon din nga Rom. 9:27.sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya.

6 Nguni’t Rom. 4:4,5;Gal. 5:4.kung ito’y sa pamamagitan ng biyaya, ay hindi na sa mga gawa: sa ibang paraan ang biyaya ay hindi biyaya.

7 Ano nga? Ang hinahanap ng Rom. 9:31;10:3.Israel ay hindi niya kinamtan; datapuwa’t ito’y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba’y pinapagmatigas:

8 Ayon sa nasusulat, Is. 29:10.Binigyan sila ng Dios ng Espiritu ng pagkakatulog, Is. 6:9;Mat. 13:14.ng mga matang hindi nangakakakita, at ng mga pakinig na hindi nangakakarinig, hanggang sa araw na ito.

9 At sinasabi ni ,

Ang kanilang dulang nawa’y Awit 69:22,23.maging isang silo, at isang panghuli,

At isang katitisuran, at isang kabayaran sa kanila:

10 Manganglabo nawa ang kanilang mga mata, upang sila’y huwag mangakakita,

At laging baluktutin mo nawa ang kanilang gulugod.

11 Sinasabi ko nga, Nangatisod kaya sila upang mangahulog? Huwag nawang mangyari: datapuwa’t sa pagkahulog nila’y Gawa 28:28.dumating ang pagkaligtas sa mga Gentil, Rom. 10:19.upang ipamungkahi sila sa paninibugho.

12 Ngayon kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil; gaano pa ang kapunuan nila?

13 Datapuwa’t nagsasalita ako sa inyong mga Gentil. Palibasa’y Gawa 9:15;Rom. 15:16.ako nga’y apostol ng mga Gentil, ay niluluwalhati ko ang aking ministerio;

14 Baka sa anomang paraan ay maipamungkahi ko sa paninibugho yaong aking mga kalaman, at 1 Cor. 9:22.maligtas ang ilan sa kanila.

15 Sapagka’t kung ang pagkatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan, ano kaya ang pagtanggap sa kanila, kundi buhay mula sa mga patay?

16 At kung ang Lev. 23:10;Blg. 15:19,20.pangunahing bunga ay banal, ay gayon din ang lahat: at kung ang ugat ay banal, ay gayon din ang mga sanga.

17 Datapuwa’t kung Jer. 11:16;Juan 15:2.ang ilang mga sanga’y nangabali, Ef. 2:12.at ikaw, na isang olibong ligaw ay isinanib ka sa kanila, at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo;

18 Huwag kang magpalalo sa mga sanga: datapuwa’t kung magpalalo ka, ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat, kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo.

19 Sasabihin mo nga, Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay makasanib.

20 Mabuti; sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila, at 1 Cor. 10:12;2 Cor. 1:24.sa iyong pananampalataya’y nakatayo ka. Huwag kang magpalalo kundi matakot ka:

21 Sapagka’t kung hindi nga pinatawad ng Dios ang mga talagang sanga, ikaw man ay hindi patatawarin.

22 Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios: ang kabagsikan ay sa nangahulog, datapuwa’t ang kabutihan ng Dios ay sa iyo, kung mamamalagi ka sa kaniyang kabutihan: sa ibang paraan ay Juan 15:2.ikaw man ay puputulin.

23 At sila naman, kung hindi mangagsisilagi sa di pananampalataya ay mangakakasanib: sapagka’t makapangyarihan ang Dios upang sila’y isanib na muli.

24 Sapagka’t kung ikaw ay pinutol doon sa talagang olibong ligaw, at laban sa kaugalian ay isinanib ka sa mabuting punong olibo; gaano pa nga ang mga ito, na mga talagang sanga, na mangakakasanib sa kanilang sariling punong olibo?

25 Sapagka’t hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo’y mangagmarunong sa Rom. 12:16.inyong sariling mga haka, na ang 2 Cor. 3:14.katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, Luc. 21:24.hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil;

26 At sa ganito’y ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng nasusulat,

Is. 59:20,21.Magbubuhat sa ang Tagapagligtas;

Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan:

27 At ito ang aking tipan sa kanila,

Pagka Is. 27:9.aalisin ko ang kanilang mga kasalanan.

28 Tungkol sa evangelio, ay mga kaaway sila dahil sa inyo: datapuwa’t tungkol sa pagkahirang, ay mga Deut. 7:8;10:15.pinakaiibig sila dahil sa mga magulang.

29 Sapagka’t Blg. 23:19.ang mga kaloob at ang pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago.

30 Sapagka’t kung paanong kayo Ef. 2:2.nang nakaraang panahon ay mga masuwayin sa Dios, datapuwa’t ngayon kayo’y nangagkamit ng habag sa pamamagitan ng kanilang pagsuway,

31 Gayon din naman ang mga ito ay naging mga masuwayin ngayon, upang sa pamamagitan ng habag na ipinagkaloob sa inyo, sila nama’y magkamit ngayon ng habag.

32 Sapagka’t ang lahat ay kinulong ng Rom. 3:9;Gal. 3:22.Dios sa kasuwayan, upang siya’y mahabag sa lahat.

33 Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol Job 11:7;Awit 36:6.niya, at Deut. 29:29.hindi malirip na kaniyang mga daan!

34 Sapagka’t Job 15:8;Is. 40:13;Jer. 23:18;1 Cor. 2:16.sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni?

35 O Job 35:7.sino ang nagbigay na una sa kaniya, at siya’y babayarang muli?

36 Sapagka’t 1 Cor. 8:6;Col. 1:16.kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Gal. 1:5;1 Tim. 1:17;2 Tim. 4:18.Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

Pessoa
H85
Abraão
ΑβρααμAbraamאַבְרָהָ֔םavəraham
Abraão, chamado por Deus, deixou a sua terra rumo a Canaã, recebeu a promessa de ser pai de muitas nações e foi pai de Isaque, o filho da promessa (Gênesis 12:1).
Significado: “Pai de uma multidão”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Benjamim
Benjamim
ΒενιαμινBeniaminבִנְיָמִֽיןbinəyamiyn
Benjamim, o filho mais novo de Jacó, nasceu de Raquel, que morreu no parto e o chamou Benoni; deu origem à tribo de Benjamim (Gênesis 35:18).
Significado: “Filho da mão direita”
Ver página completa
Pessoa
H452
Elias
אֵלִיָּהוּeliyahu
Elias, o tesbita, profeta em Israel nos dias de Acabe, enfrentou os profetas de Baal no monte Carmelo e foi levado ao céu num redemoinho (2 Reis 2:11).
Significado: “O Meu Deus é o Senhor (Javé)”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Judá
Davi
ΔαυιδDauidדָוִֽדdavid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Sião
Hoje: Jerusalém, Israel
ΣιώνSiōnצִיּוֹןtsiyyon
31,78° N, 35,23° L
Citado em 148 versículosTb.: Jerusalém
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Taga Roma 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.