1 Kaya nga, mga kapatid, 1 Cor. 1:10;2 Cor. 10:1.ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na Rom. 6:13.inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buháy, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.
2 At 1 Ped. 1:14.huwag kayong magsiayon 1 Juan 2:15.sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo Tit. 3:5.sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo Ef. 5:10,17;1 Tes. 4:3.kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
3 Sapagka’t sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa’t tao sa inyo, na 1 Cor. 4:6.huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, 1 Cor. 7:17;Ef. 4:7.ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa’t isa.
4 Sapagka’t 1 Cor. 12:12;Ef. 4:4,16.kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain:
5 Ay gayon din tayo, na Juan 17:21;1 Cor. 6:15;12:20,27;Ef. 1:23.marami, ay iisang katawan kay Cristo, at Ef. 4:25.mga sangkap na samasama sa isa’t isa.
6 1 Cor. 12:4.At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung Gawa 2:18.hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya;
7 O kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio; o ang nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo;
8 O ang umaaral, ay sa kaniyang pagaral: ang namimigay, ay magbigay na may magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya.
9 Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.
10 Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa’t isa ang iba;
11 Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon;
12 Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; Luc. 13:1.magmatiyagain sa pananalangin;
13 1 Cor. 16:1;2 Cor. 9:1,2;Gal. 2:10.Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy.
14 Pagpalain ninyo Mat. 5:44.ang mga sa inyo’y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain.
15 Makigalak kayo sa Job 30:25.nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak.
16 Job 15:5.Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Awit 131:1.Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Kaw. 3:7;Rom. 11:25.Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka.
17 Mat. 5:39.Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. 2 Cor. 8:21.Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.
18 Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay Mar. 9:50.magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.
19 Huwag kayong Lev. 19:18.mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka’t nasusulat, Deut. 32:35;Heb. 10:30.Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.
20 Kaya’t Kaw. 25:21,22.kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya’y mauhaw, painumin mo: sapagka’t sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.
21 Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.