Pular para o conteúdo
Publicidade

Romanos 13

1 Ang bawa’t Tit. 3:1;1 Ped. 2:13.kaluluwa ay pasakop sa matataas Juan 19:11.na kapangyarihan: sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios.

2 Kaya nga’t ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.

3 Sapagka’t ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? 1 Ped. 2:14.gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:

4 Sapagka’t siya’y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa’t kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka’t hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka’t siya’y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.

5 Kaya nga’t dapat na kayo’y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi.

6 Sapagka’t dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo Luc. 20:22.ng buwis; sapagka’t sila’y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito.

7 Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila’y nararapat: Mat. 22:21;Luc. 20:25.buwis sa dapat buwisan; Mat. 17:25.ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.

Veja também