1 Ang bawa’t Tit. 3:1;1 Ped. 2:13.kaluluwa ay pasakop sa matataas Juan 19:11.na kapangyarihan: sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios.
2 Kaya nga’t ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.
3 Sapagka’t ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? 1 Ped. 2:14.gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:
4 Sapagka’t siya’y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa’t kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka’t hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka’t siya’y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.
5 Kaya nga’t dapat na kayo’y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi.
6 Sapagka’t dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo Luc. 20:22.ng buwis; sapagka’t sila’y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito.
7 Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila’y nararapat: Mat. 22:21;Luc. 20:25.buwis sa dapat buwisan; Mat. 17:25.ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.
8 Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: tal.10;Juan 13:34;Col. 3:14;1 Tim. 1:5.sapagka’t ang umiibig sa kaniyang kapuwa’y nakaganap na ng kautusan.
9 Sapagka’t ito, Ex. 20:13-17.Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga’y Lev. 19:18;Mat. 19:19;22:39;Gal. 5:14;Sant. 2:8.Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili.
10 Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: Mat. 22:40.ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.
11 At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo’y kapanahunan nang 1 Cor. 15:34;Ef. 5:14;1 Tes. 5:6.magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka’t ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo’y magsisampalataya nang una.
12 Juan 9:4.Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: Ef. 5:11.iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at 2 Cor. 6:7;Ef. 5:11,13;1 Tes. 5:5,8.ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan.
13 Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa 1 Cor. 6:9.kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.
14 Kundi bagkus isakbat ninyo Gal. 3:27.ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.