1 Ano nga ang kahigitan ng Judio? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli?
2 Marami sa anomang paraan: ang una sa lahat, ay Rom. 2:18;9:4.ipinagkatiwala sa kanila Heb. 5:12.ang mga aral ng Dios.
3 Ano nga Rom. 10:16.kung ang ilan ay hindi nangagsisampalataya? ang di pananampalataya nila ay nagpapawalang halaga baga sa 2 Tim. 2:13.pagtatapat ng Dios?
4 Huwag nawang mangyari: oo, bagkus pa nga ang Juan 3:33;8:26.Dios ay tapat, datapuwa’t ang Awit 116:11.bawa’t tao’y sinungaling; gaya ng nasusulat,
Awit 51:4.Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita,
At makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan.
5 Datapuwa’t kung ang ating kalikuan Rom. 5:8.ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot? (Gal. 3:15.nagsasalita akong ayon sa pagkatao.)
6 Huwag nawang mangyari: sapagka’t kung gayo’y paanong paghatol ng Dios sa sanglibutan?
7 Datapuwa’t kung tal.4.ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay sumagana sa ikaluluwalhati niya, bakit pa naman ako’y hinahatulang tulad sa isang makasalanan?
8 At bakit hindi (gaya ng pagkalibak sa atin, at gaya ng pinatotohanan ng ilan na ating sinasabi), Rom. 6:1,15.Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti? ang kaparusahan sa mga gayon ay matuwid.
9 Ano nga? tayo baga’y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka’t ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, tal. 19, 23.na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan;
10 Gaya ng nasusulat,
Awit 14:1-3;53:1-3.Walang matuwid, wala, wala kahit isa;
11 Walang nakatatalastas,
Walang humahanap sa Dios;
12 Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:
13 Ang kanilang lalamunan Awit 5:9.ay isang libingang bukas;
Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila:
Awit 140:3.Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:
14 Ang kanilang bibig Awit 10:7.ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:
15 Ang kanilang mga paa Is. 59:7,8.ay matulin sa pagbububo ng dugo;
16 Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;
17 At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;
18 Walang pagkatakot sa Dios Awit 36:1.sa harap ng kanilang mga mata.
19 Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; Rom. 1:20;2:1.upang matikom ang bawa’t bibig, at tal.9.ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa Awit 143:2;Gal. 2:10;3:11.ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t Rom. 7:7.sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.
21 Datapuwa’t ngayon Rom. 1:17.bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta;
22 Sa makatuwid baga’y ang katuwiran ng Dios Rom. 4:3,5.sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka’t Rom. 10:12;Col. 3:11.walang pagkakaiba;
23 Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;
24 Palibhasa’y inaring-ganap na walang bayad Rom. 4:16;Ef. 2:5,8;Tit. 3:5,7.ng kaniyang biyaya Ef. 1:7;Col. 1:14;Heb. 9:12.sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus:
25 Na siyang inilagay ng Dios Lev. 16:15;1 Juan 2:2;4:10.na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa Ef. 2:13;Col. 1:20.kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga Heb. 9:15.kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;
26 Sa pagpapakilala’y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya’y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.
27 Rom. 2:17.Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito’y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.
28 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya tal. 21;Rom. 4:6;7:8,9.na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.
29 O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman:
30 Kung gayon Rom. 10:12;Gal. 3:8.nga na iisa ang Dios, at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
31 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi Mat. 5:17.pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.