1 Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.
2 Sapagka’t ang kautusan Juan 8:32;Gal. 5:1.ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya 1 Cor. 15:45.ako sa Rom. 7:24,25.kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
3 Sapagka’t Gawa 13:39;Heb. 7:19;10:1,2,10,14.ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng 2 Cor. 5:21.Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin Heb. 10:6,8.at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan:
4 Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
5 Sapagka’t ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima Gal. 5:19-21.sa mga bagay ng laman; datapuwa’t ang mga ayon sa Espiritu ay sa Gal. 5:22,23,25.mga bagay ng Espiritu.
6 Sapagka’t Rom. 6:21.ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa’t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.
7 Sapagka’t Sant. 4:4.ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari:
8 At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.
9 Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Juan 14:26;1 Cor. 2:11,12.Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa kaniya.
10 At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa’t 1 Cor. 15:45.ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran.
11 Nguni’t kung ang Espiritu Juan 5:21.niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.