28 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga’y niyaong mga tinawag Rom. 1:6;9:11;Ef. 1:11.alinsunod sa kaniyang nasa.
29 Sapagka’t Rom. 11:2;1 Ped. 1:2.yaong mga nang una pa’y kaniyang nakilala, Ef. 1:5,11.ay itinalaga naman niya 2 Cor. 3:18;1 Juan 3:2.na maging katulad Gen. 1:26.ng larawan ng kaniyang Anak, Col. 1:15,18;Heb. 1:6;Apoc. 1:5.upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:
30 At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang 1 Cor. 1:9;Gal. 1:1,15;Ef. 4:4;1 Ped. 2:9,21.tinawag naman: at ang mga tinawag ay 1 Cor. 6:11.inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay Juan 17:22.niluwalhati din naman niya.
31 Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?
32 Siya, na hindi ipinagkait Juan 3:16.ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay?
33 Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa Rom. 16:13.mga hirang ng Dios? Is. 50:8,9.Ang Dios ay ang umaaring-ganap;
34 Sino Awit 37:33.ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na Awit 110:1.siyang nasa kanan ng Dios, tal. 27;Heb. 7:25;9:24;1 Juan 2:1.na siya namang namamagitan dahil sa atin.
35 Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?
36 Gaya ng nasusulat,
Awit 44:22.Dahil sa iyo kami’y pinapatay sa buong araw;
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
37 Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito 1 Cor. 15:57;2 Cor. 2:14.tayo’y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.
38 Sapagka’t ako’y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga Ef. 6:12;Col. 2:10,15;1 Ped. 3:22.pamunuan, kahit 1 Cor. 3:22.ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,
39 Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa Rom. 5:8.pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.