5 Sapagka’t ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima Gal. 5:19-21.sa mga bagay ng laman; datapuwa’t ang mga ayon sa Espiritu ay sa Gal. 5:22,23,25.mga bagay ng Espiritu.
6 Sapagka’t Rom. 6:21.ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa’t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.
7 Sapagka’t Sant. 4:4.ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari:
8 At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.